I was born with a gifted pretty fingernails. They were good enough to put the nail polish on. I used to have long finger nails and if i have time i keep on putting different colors of nail polish. It relieves me from stress, though putting on the right hand is hard i still find it fun.
Miley Cyrus Concert Contest
Miley Cyrus is one of the foreign singer that I love to hear the voice in person. Her songs instill in my heart, and it inspires me and give me a smile specially if I hear her song entitled “Party in the USA”. It was a hit song in 2010 when I met my other co-alumni.
As I admired her songs, I joined the contest that the Whisper Girl Movement had.60 tickets are up for grabs for the Hannah Montana superstar live in Manila. She will have her concert in Mall of Asia, June 17, 2011. I also submitted a photo that jumped with joy. It was taken during my trip in Angkor Wat Cambodia. Being a contestant, you need to answer their question like “What’s your whisper of choice?”
Special School in Cavite
Everytime I read and heard something about my mother school I always give time to read it. It gives me again an inner peace that can relate whatever is narrated on the it. If I would given a chance to study again, I would still choose this “special school” which is The Sisters of Mary School. As an alumni we have an official website. It is where graduates from different campuses Biga, Adlas, Minglanilla and Talisay get an updates.
May ‘espesyal’ na high school sa Cavite
KAMAKAILAN ay naimbitahan tayo na maging graduation speaker sa isang “espesyal” na high school sa Cavite. Sa stage, katabi ko ang isang Koreanong bisita na sa aking pagtatanong ay nalaman ko na isa palang chief executive officer ng isang kompanya sa industrial belt sa Laguna. Sa isang tabi ko naman ay isang German national na bisita din. Pero ang ikinagulat ko ay nang malaman ko na ang Koreano pala ay alumni din ng eskwelahang ito na sadyang itinatag para sa mga kabataang minsa’y pinagmalupitan ng lipunan at sariling tahanan. Aba, espesyal nga pala talaga ang Sisters of Mary School.
Ang Sisters of Mary School ay non-stock, non-profit, high school na itinayo para kalingain at bigyan ng libreng high school education ang mga mahihirap. Ito ay suportado ng donasyon mula sa mga indibidwal at institusyon dito at sa labas ng bansa.
Napakalinis ng eskwelahan na binubuo ng Sisters of Mary Boystown (population:2,200) at Girlstown (3,500) sa magkahiwalay na campus sa Silang, Cavite. Para kang nasa loob ng PMA sa ipinakitang disiplina at kaayusan, maging sa hitsura ng gupit, uniporme at galaw ng mga estudyante. Meron din silang boystown at girlstown campus sa Cebu para naman sa mga kabataang yagit sa Visayas at Mindanao.
Mga nasa laylayan ng lipunan
Ang mga batang kinukupkop dito ng mga madre ay mula sa mga broken homes, palaboy sa lansangan, mga kabataang nasa laylayan ng ating lipunan. Una itong itinatag ng nasirang si Msgr. Aloysius Schwartz sa South Korea na kilala din sa bansag na Fr. Al. Ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for International Understanding noong 1983. Napadpad siya sa Manila kasi inimbitahan siya ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na magtayo din ng Boystown at Girlstown dito sa atin. Ang The Sisters of Mary of Banneux, isang religious congregation na itinayo din ni Fr. Al, ang nagpapatakbo ng school. Taun-taon umaabot sa 12,000 high school boys and girls ang nabibiyayaan ng pagkakalingang ito ng Sisters of Mary School.
Dahil sa ipinamalas na bisa ng modelong ito, ang Sisters of Mary Schools ngayon ay nasa Mexico, Guatemala at Honduras na. “Libu-libong“ individuals na regular donors sa buong mundo…kahit as low as $5 nakakatanggap sila.
Masasabi nating espesyal ang school na ito dahil sa halip na dalawang buwan sa isang taon ang bakasyon, dalawang linggo lang ang bakasyon ng mga estudyante dito. Live-in sila dito at libre ang pagkain, tuition, libro at uniform. Ang mga guro dito ay mula sa mga prestihiyosong unibersidad na binibigyan ng magandang sahod at maayos na benepisyo.
Dekalidad ang aral dito at may malakas na technical-vocational curriculum bilang paghahanda sa mga bata sa mundo ng dekalidad din na hanap-buhay. At meron silang espesyal na permiso sa DepEd at DOLE upang ang mga fourth year students ay makapag-on-the-job training na. Hindi ba’t ito ang layunin na binabalak ng DepEd na programang K to 12?
Espesyal ang kanilang curriculum, tinatapos nila ang academic load mula first hanggang third year. Sa technical-vocational skills naman sila nakatutok pagdating sa fourth year. Kabilang sa skills ang call center training, garments production, baking, music, painting at Spanish classes kung saan isang Mexicana ang kanilang guro na graduate din ng Sisters of Mary.
Ang mga bata ang nananahi ng kanilang uniporme, nagbabake ng kanilang tinapay at gumagawa ng mga tungkulin bilang bahagi ng isang higanteng tahanan at pamilya.
Espesyal permit mula kay Ka Blas
At may espesyal din silang permiso mula sa DOLE na ipinagkaloob pa noong panahon ni dating Kalihim Blas Ople na pwede na silang magtrabaho kahit 16 taong gulang pa lang dahil sa kanilang kasanayan sa mga piniling skills.
Sa katunayan, nasa top 20 ang mga graduates ng Sisters of Mary noong kumuha sila ng maritime officers’ course sa isang top maritime college kung saan gumagana sila ngayon ng U.S.$1,400 kada buwan. At alam n’yo ba na parating mataas ang ratings ng mga bata sa National Achievement Test at National Career Aptitude Examination. Maging sa sports, anim na taon na silang champion sa Milo Olympics. Mga pruweba na dekalidad ang graduates ng paaralang ito.
’Yung German business executive na katabi ko sa stage ay nandu’n din dahil nag-sponsor siya ng football training sa mga estudyante. At alam n’yo ba na mula nang matuto sila ng football ay hindi pa sila nakakatikim ng pagkatalo. Bakit kaya ganun sila kasigasig? Kasi umaasa sila na dahil sa kanilang galing sa football maaari silang matanggap on athletic scholarship at makatapos ng kolehiyo. Paging, colleges and universities!
Nakakatuwa, nakakamangha kung paano sila inaaruga at hinahasa ng Sisters of Mary para sa tunay na mukha ng buhay. Sa ngayon ay patuloy silang naghahanap ng sponsor upang mapanatiling operasyonal ang school. Kailangan din ng mga graduates nila ng suporta upang makapagpatuloy sa kolehiyo o matanggap bilang varsity.
Anong klaseng motibasyon kaya ang ipinadama ng mga madre upang magkaroon ng hindi mamamatay na pag-asa ang mga batang ito? Anong klaseng pagkalinga kaya ang ipinakita ng mga madre upang lumaking masikap at tumatayo sa sariling lakas? At may malalim na paniniwala na nasa edukasyon ang solusyon.
Ang tunay na pagmamahalan at pag-aaruga sa loob ng apat na taon ang pinakamahalagang paghubog sa mga bata. Kaya pagka-graduate, tunay na buo ang mga katangian ng edukasyon… praktikal, may tiwala sa sarili at kapaki-pakinabang. Maka-Diyos at makataong mamamayan.
Espesyal talaga. At modelo.
Sapat na classroom sa loob ng dalawag taon!
Lumalabas sa pakikipag-ugnayan ng Management Association of the Philippines, kung saan ang inyong lingkod ang chairman ng education commitee, sa iba pang sektor na mukhang lumilinaw na ang mga hakbang na dapat gawin upang mapunuan ang kakulangang 150,000 classrooms sa ating mga public schools.
Sa ganang akin, hinog na ang panahon at upang gawin ito hindi lang ng DepEd kundi ng mga katuwang sa pribadong sektor, sa Congress, mga local government units at executive branch. Nasa atin ang political at economic momentum upang gawin ito. It is now or never.
Bilang kinatawan ng sektor ng negosyante, isa itong magandang pagkakataon para sa pribadong sektor na tumulong hindi lang sa pamamagitan ng kanilang foundation o corporate social responsibility projects kundi bilang isang lehitimong business proposition din.
Kayo ang unang makakaalam ng mga susunod naming hakbang upang matupad ang mithiing ito sa target date na 2013. Para sa bayan ang tagumpay ng layuning ito.
source
(Email: jalapus@skyinet.net)
Flowers, special delivery…
It was Saturday morning, around 11AM when Sam (BF’s crewmate) meet me McDonalds Libertad. Unknowingly, he’s carrying with him a bouquet of flowers coming from my boylet. Flowers includes tulips and other flowers that I don’t know hehehe. It’s for the celebration of 2nd Year Anniversary. Thank you for the flowers!
Missing my late brother…
We miss you Dhee, i wish you’re still here with us. to be continued…



